Umakyat na sa 1,036 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong.
Batay sa tala ng Local Health Department, 12 bagong kaso ng sakit ang naitala kahapon.
Apat sa mga bagong pasyente na infected ng virus ay mula sa Barangay Wack-Wack at tig-tatlo sa Barangay Old Zaniga, Addition Hills at Mabini J. Rizal.
Habang ang Barangay Hulo, Barangaka Ibaba at Mauway ay mayroong tig-isang bagong kaso ng COVID-19.
Ang Barangay Addition Hills pa rin ang may pinakamaraming kaso ng confirmed cases sa lahat ng mga barangay sa Mandaluyong City na aabot sa 238.
Ito rin ang barangay na may pinakamarami ang bilang ng active case na nasa 102.
Nasa 66 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa virus at 716 naman ang kabuuang bilang ng mga recoveries sa lungsod.