Bumaba ng 9% ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa nagdaang linggo.
Batay sa OCTA Research Group, ang National Capital Region (NCR) ay may average na 667 daily new cases mula June 21 hanggang 27 na mas mababa sa average na 731 daily new cases noong June 14 hanggang 20.
Ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa Metro Manila ay nasa 4.83 cases per 100,000 population at positivity rate na 7%.
Dahil dito, maituturing na nasa moderate-low risk area ang NCR.
Nasa 0.80 naman ang reproduction number ng Metro manila o bilis ng hawaan na dating nasa 0.71.
Aabot naman sa 36% ang hospital bed occupancy rate sa Metro Manila; 45% ang Intensive Care Unit (ICU) bed utilization rate at 32% ang ginagamit na mechanical ventilators.
Facebook Comments