Patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Batay sa OCTA Research Group, nakapagtala ng 1.32 reproduction rate ang National Capital Region (NCR) na mataas kumpara sa itinakdang isa o mas mababa pa.
Tumaas naman ng 160 percent ang bagong kaso ng COVID-19 sa Pasay City at mayroon silang 12.67 attack rate kada araw.
Ang Malabon, Manila, Makati, Taguig, Paranaque, at Marikina naman ay nakapagtala ng 40 percent na pagtaas ng mga kaso kumpara sa nakaraang dalawang linggo.
Itinanghal namang “best performing” Local Government Unit (LGU) ang Mandaluyong sa pagkontrol sa pagtaas ng kaso na sinundan ng Muntinlupa, Valenzuela, at Pasig City.
Facebook Comments