COVID-19 cases sa Metro Manila, tumaas ng 119% sa loob ng dalawang linggo – OCTA

Umaabot na sa halos 900 bagong kaso ng COVID-19 ang naitatala sa Metro Manila kada araw nitong mga nagdaang linggo.

Sa report ng OCTA Research, may pagtaas ng 50-percent sa bilang ng kaso nitong nakaraang linggo habang umakyat sa 199-percent noong dalawang linggo.

Ang reproduction number sa Metro Manila ay tumaas sa 1.47 habang ang two-week daily attack rate ay nasa 5.4 per 100,000.


Tumaas ang positivity rate sa average na 7% sa nakalipas na pitong araw at tumataas ito ng isang porsyento kada linggo.

Binigyang diin ng OCTA na ang South African SARS-CoV2 B.1.351 variant na natukoy sa Pasay City, ay hindi pa malinaw kung gaano kalaganap ang variant sa Metro Manila.

Facebook Comments