Posibleng mas bumaba pa ang COVID-19 case kada araw sa National Capital Region (NCR) kung mapapalawig pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumaba na sa 2,000 ang COVID-19 case kada araw sa Metro Manila.
Kaya kung mas pahahabain pa ang MECQ ay posibleng umabot pa sa 1,000 kada araw ang ibaba nito.
Sa kabila nito, sinabi ni David na kahit luwagan na ang quarantine restriction ay posible pa rin namang maranasan ang downward trend ng COVID-19 cases basta gawin lang itong gradually o dahan-dahan
Nakatakdang matapos ang MECQ sa May 14 sa NCR Plus bubble at ilang pang lugar.
Facebook Comments