Nananatili ang National Capital Region (NCR) na may pinakamalaking kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa 6,216 na bagong kaso sa bansa, 62% dito ang Metro Manila habang sumunod ang Region 4A o ang CALABARZON.
278 naman sa mga bagong kaso ay Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagbalik-bansa.
Bunga nito, umaabot na ang total COVID-19 cases sa bansa sa 153,660.
79,813 sa nasabing bilang ang active cases.
Samantala, bahagyang tumaas ngayon ang recoveries sa 1,038 kaya ang total recoveries ngayon ay 71,405.
16 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 2,442.
Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 5 Pilipino lamang mula Asia and the Pacific at Europe ang panibagong nag-positibo sa COVID-19 sa abroad.
Dalawa naman ang panibagong naka-recover sa virus habang walang naitalang panibagong Pinoy na binawian ng buhay sa ibayong dagat dahil sa COVID-19.
Sa ngayon, umaabot na sa 9,878 na mga Pinoy mula sa 72 na mga bansa ang tinamaan ng nasabing sakit.
5,823 dito ang naka-recover na habang ang active cases ay 3,333.
Nananatili naman sa 722 ang total deaths.