COVID-19 cases sa NCR+, nagpa-“plateau” – DOH

Nakikita ng Department of Health (DOH) na bumabagal na ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Bagamat nasa downward trend na ang mga kaso, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nagpa-“plateau” o pumapatag na ang bilang ng kaso sa NCR Plus bubble.

“The National Capital Region bubble, although we are seeing a decline in the number of cases, we are seeing that the decline is getting slower and that we are seeing a number of cases again,” sabi ni Vergeire sa isang TV interview.


“We have observed that during about two or three weeks ago, the decline was really steep. The decline was fast. But right now it’s plateauing, and we are seeing this because we are averaging right now for the NCR-plus bubble around 1,100 cases,” ani Vergeire.

Muli ring iginiit ni Vergeire na ang “mobility” pa rin ang isa sa mga dahilan kung bakit bumabagal na ang pagdami ng kaso lalo na at maraming sektor ang pinayagang magbukas kasunod ng pagluluwag ng restrictions.

Ang healthcare utilization sa NCR Plus ay nananatiling nasa moderate level.

Suportado ng DOH ang dahan-dahang pagbubukas ng mga sektor at industriya sa NCR Plus para mabalanse ang kalusugan at ekonomiya.

Facebook Comments