COVID-19 cases sa NCR, patuloy na tumataas  – OCTA

Nakikitaan muli ng upward trend ng COVID-19 cases ang National Capital Region (NCR) sa harap ng mungkahing ipatupad ang nationwide Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Sa report ng OCTA Research Team, ang average na bilang ng bagong kaso sa NCR ay nasa 563 kada araw, 45% ang itinaas kumpara sa mga nagdaang linggo.

Ang reproduction number sa Metro Manila ay tumaas sa 1.13.


Bukod dito, tumaas din ang positivity rate sa NCR sa 5% sa nakalipas na pitong araw, batay sa average na 16,000 PCR test araw-araw.

Ang Pasay City ay nakapagtala ng 203% na pagtaas sa daily new cases, kasunod ang Malabon na nasa 166%, at Las Piñas na nasa 116%.

Bukod dito, nakikitaan din ng pagtaas ng kaso sa Pateros at Navotas.

Mataas din ang positivity rate sa Marikina at Parañaque.

Ang pagsipa ng kaso sa NCR ay nangangahulungang kailangan pa ring paigtingin ng mga lokal na pamahalaan ang health measures nito.

Facebook Comments