Tumaas nang 19% ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.
Base sa ibinahaging datos ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula sa 59 na seven-day average new cases noong may 6 hanggang 12 ay umakyat ito sa 71 nitong may 13 hanggang 19.
Bahagya ring tumaas sa 0.50 mula sa 0.42 ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR o ang 7-day average number ng mga bagong kaso sa kada 100 indibidwal.
Habang ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 ay tumaas din sa 0.90 (moderate) mula sa 0.76 (low) noong nakaraang linggo.
Nananatili naman sa 1.2% ang positivity rate sa rehiyon habang very low pa rin ang healthcare utilization rate na nasa 22% at ICU level na 20%.
Sa pangkalahatan, nasa low risk COVID-19 classification pa rin ang NCR.
Samantala, sa kabila ng naitalang BA.2.12.1 omicron subvariant ay patuloy pa rin sa pagbaba ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa na ngayon ay nasa 2,139 na lang.
Pero ayon kay OCTA fellow Dr. Butch Ong, posibleng hindi natin nakikita ang totoong trend ng COVID-19 dahil sa mababang testing.