Sa nakalipas na araw, unti-unti ng bumababa ang naitatalang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Parañaque.
Sa datos ng Parañaque City Health Office at Parañaque City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), mula sa 141 nitong weekend, nasa 127 na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Dahil dito, nasa 8,567 na ang bilang ng confirmed cases habang nananatili sa 221 ang bilang ng nasawi.
Umaabot na rin sa 8,219 ang bilang ng nakarekober sa virus kung saan isang barangay sa lungsod ang walang naitalang kaso ng COVID-19.
Ito ay ang Barangay Vitalez habang ang barangay San Antonio ay may mataas na bilang na nasa 23 na sinundan ng BF Homes ma nasa 15 habang ang San Dionisio, Tambo at Don Bosco ay parehong may naitalang 11 aktibong kaso ng virus.