COVID-19 cases sa Pasay, nadagdagan pa ng 8

Umaabot na sa 109 ang kaso ng COVID-19 sa Pasay City mula sa 101 kahapon.

Ang mga naka-recover naman ay umabot na sa 18 matapos na madagdagan ng isa.

Pinakamarami pa ring naka-recover ay mula sa Barangay 183 na umabot na sa siyam.


Ang PUM naman o suspect ay nananatili sa 35 at ang PUI o probable ay 21 na lamang matapos mabawasan ng dalawa.

Samantala, ang mga nasawi sa COVID-19 sa Pasay City ay nananatili sa 11.

Facebook Comments