COVID-19 cases sa Pateros, 2 lamang ang naidagdag na kaso

Sa nakalipas na apat na araw ay dalawa lamang ang naidagdag sa confirmed cases sa Munisipalidad ng Pateros.

Mula sa 20 na naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pateros noong April 24, umabot sa 22 ang total number of confirmed cases ngayong araw.

Nananatili pa rin sa apat ang total number of deaths mula noong April 22 hanggang ngayon.


Samantala, 154 naman ang suspected cases habang zero o walang naitala na probable cases ng Coronavirus.

Sinisikap naman ng lokal na pamahalaan na palaging paalalahanan ang mga residente sa pagsunod sa quarantine protocols at iba pang pagiingat laban sa COVID-19.

Facebook Comments