COVID-19 cases sa Pilipinas, 26,781 na!

Pumalo pa sa 26,781 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naitala ngayong araw ang 364 na bagong kaso.

249 rito ay fresh cases habang 115 ay late cases.


Naitala rin ang 301 record high recoveries na sumampa na sa 6,552.

Lima (5) naman ang nadagdag sa mga nasawi na may kabuuang 1,013.

Samantala, pumalo naman sa 6,021 ang bilang ng mga Pilipino sa abroard na tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng 455 na panibagong kaso.

Nasa 2,833 naman ang mga gumaling na sa sakit habang 442 ang naitalang nasawi sa virus.

Facebook Comments