COVID-19 cases sa Pilipinas, lampas 35,000 na

149

Karagdagang 653 panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health, 485 sa mga bagong kaso ay ‘fresh’ habang 168 ang ‘late’ cases.


Dahil dito, umabot na sa 35,455 ang kabuuang kaso ng COVID -19 sa bansa.

Nadagdagan naman ng 258 ang bilang ng gumaling na ngayon ay aabot na sa 9,686.

Habang 1,244 na ang nasawi matapos madagdagan ng walo.

Samantala, isang bagong kaso lang ng COVID -19 sa mga Pilipino sa abroad ang nadagdag ngayong araw.




Sa kabuuan, 8,433 na ang mga Pilipinong tinamaan ng virus sa ibang bansa habang 538 ang nasawi.

Nananatili naman sa 5,081 ang nakarekober sa sakit habang 2,814 pa ang nagpapagaling.

Facebook Comments