Nadagdagan pa ng 1,006 ang Coronavirus disease o COVID-19 cases sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Health (DOH) Assistant to the Secretary Beverly Lorraine Ho, umabot na sa 34,073 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa bagong mga kaso, 788 rito ay “fresh cases” habang 218 ang “late cases.”
Labing dalawang (12) pasyente naman ang naitalang nasawi na umakyat na sa 1,224.
Sumampa naman sa 9,182 ang mga gumaling sa COVID-19 matapos madagdagan ng 274 recoveries.
Samantala, umakyat na sa 8,417 ang mga Filipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19 mula sa 57 na bansa at rehiyon.
Nasa 5,081 naman na ang mga gumaling habang 536 ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Facebook Comments