COVID-19 cases sa Pilipinas, nasa 47,873 na; higit 1,500 panibagong kaso, naitala

Nadagdagan nang 1,540 na bagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umabot na sa 47,873 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit kung saan 34,178 rito ang aktibong kaso.

Sa bagong mga kaso, 993 ang “fresh cases” habang 547 ang “late cases.”


Anim (6) na pasyente naman ang nasawi na umakyat na sa 1,309.

Habang sumampa naman sa 12,386 ang recoveries matapos madagdagan ng 201.

Samantala, naitala ngayong araw ang 8,688 na Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Nasa 5,218 naman ang mga gumaling sa sakit habang 577 ang mga nasawi.

Facebook Comments