Posibleng pumalo sa 60,000 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas pagsapit ng July 31.
Ayon ito sa pag-aaral na isinagawa ng grupo ng mga eksperto mula sa University of the Uhilippines (UP) noong March 1 hanggang June 25.
Ayon sa mga UP expert, maaari ring umabot sa 1,300 ang death toll sa bansa.
Base pa sa kanilang projection, aabot sa 27,000 ang COVID-19 cases na maitatala sa National Capital Region (NCR) pagsapit ng katapusan ng Hulyo habang 20,000 sa Cebu.
Kaugnay nito, hinikayat ng grupo ang gobyerno na i-review ang istratehiya ng bansa sa pagtugon sa COVID-19.
Dapat anilang maging centerpiece ng istratehiya ng pamahalaan ang agresibong pagsasagawa ng contact tracing.
Mahalaga ring maitaas ang testing capacity ng bansa sa 20,000 tests kada araw.
Matatandaang sinabi ng World Health Organization na Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong Western Pacific Region.