COVID-19 cases sa Pilipinas, pumalo na sa 23,732; Record-high 159 new recoveries, naitala ngayong araw!

Lumobo pa sa 23,732 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa pinakahuling datos ng DOH, 740 panibagong kaso ng virus ang naitala kung saan 452 rito ay ‘fresh’ cases habang 288 ay ‘late’ cases.

Aabot naman sa 159 new recoveries ang naitala ngayong araw na ngayon ay aabot na sa kabuuang 4,895.


Ito na ang pinakamataas na bilang ng recoveries na naitala sa bansa simula noong Marso.

Sampu naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na ngayon ay nasa 1,027 na.

Samantala, sumampa na sa 5,430 ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng nakahahawang sakit.

Ito ay matapos na makapagtala ng 29 na panibagong kaso ng virus.

Mas marami naman ang nakarekober na nasa 51 dahilan para umabot ito sa kabuuang 2,346.

Habang dalawa lang ang nasawi na ngayon ay aabot na sa 382.

Facebook Comments