COVID-19 cases sa Pilipinas, pumalo na sa mahigit 115,000

Nadagdagan pa ng 3,462 ang mga tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 115,980 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa kung saan 47,587 ang aktibong kaso.

Nakuha ang mga datos mula sa 84 out of 98 licensed laboratories.


Siyam naman ang napa-ulat na nasawi na umakyat na sa 2,123.

Sumampa naman sa 66,270 ang total recoveries sa bansa makaraang madagdagan ng 222.

Samantala, 20 pang Pilipino sa abroad ang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, pumalo na sa 9,627 ang mga overseas Filipino ang na-infect ng virus, 5,730 ang mga gumaling at 695 ang nasawi.

Facebook Comments