Posibleng pumalo sa isang milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng buwan.
Nabatid na aabot na sa halos 800,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bagamat mayroong positibong epekto ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) para mapababa ang reproduction number, tumaas ito sa 1.6 dahil sa lumobo ang average number ng infections na naitatala kada araw.
Ibig sabihin, asahang magkakaroon pa rin ng 11,000 hanggang 12,000 daily new cases sa mga susunod na linggo hanggang sa maitala ang downward trend.
Umaasa ang OCTA Research na ang reproduction ay bumaba sa 1.2 o 1.3 ngayong linggo.
Facebook Comments