COVID-19 cases sa PNP, umabot na sa 28,216

Umabot na sa 28,216 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) matapos madagdagan ng 103 na bagong mga kaso.

Ayon sa PNP Health Service, mayroon 1,719 na aktibong kaso sa PNP habang 112 naman ang bagong mga gumaling.

Sa ngayon, umabot na sa 26,422 ang COVID-19 recoveries sa Pambansang Pulisya habang 75 ang mga nasawi matapos madagdagan ng isa.


Facebook Comments