COVID-19 cases sa QC, halos nasa 14,000 na

Halos 14,000 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Ito’y matapos na madagdagan pa ng 323 ang nagkasakit sa lungsod.

Base sa pinakahuling datos ng QC Health Office, ang total validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices ay nasa 13,927.


Mula sa naturang bilang, nasa 2,993 ang active COVID-19 cases.

May naidagdag na 90 sa bilang ng nakarekober na sa kabuuan ay 10,482 na ang gumaling.

Tatlo naman ang naidagdag sa bilang ng nasawi na sa kabuuan ay 452 na ang pumanaw.

Facebook Comments