COVID-19 cases sa QC, nadagdagan pa ng 96

Nadagdagan pa ng 96 ang confirmed at validated cases ng COVID-19 sa Quezon City mula December 31, 2020 hanggang kahapon January 3, 2021.

Ayon sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU), sa kabuuang bilang abot na sa 28,199 ang kaso ng Coronavirus sa lungsod at 1,162 dito ang active cases.

Gayunman, 93% nito o 26,274 na COVID patient ang gumaling na sa sakit matapos madagdagan pa ng 145.


Hanggang kahapon may pagbaba rin ng 51 ang active cases mula sa 1,213 noong December 31.

Pakiusap pa ng Local Government Unit (LGU) sa mga residente na tuloy lamang ang pagsunod sa health protocols at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.

Facebook Comments