COVID-19 cases sa QC, patuloy ang pagtaas

Umakyat pa sa 26,349 ang total number ng validated cases ng COVID-19 sa lungsod ng Quezon na mas mataas kumpara sa mga nagdaang araw.

Ito’y base sa huling datos na inilabas kahapon ng Quezon City Epidemiology and Surviellance Unit at District Health Offices.

Sa kabuuang bilang, nasa 892 ang active cases na patuloy na inoobserbahan sa mga pagamutan.


Pinakamaraming naitalang active cases ay sa District 1 na may 209, sinundan ng district 4 na may 205, at 184 sa district 3.

Nadagdagan din ang bilang ng mga namatay na ngayon ay abot na 742 indibidwal, pinakamarami sa district 1 na may 153 ang bilang.

Pero paliwanag ng Local Government Unit (LGU) malaking porsiyento ng mga pasyente o 24,715 ang nakarekober na sa sakit.

Facebook Comments