Pumalo na sa 5,721 ang COVID-19 infections sa Quezon City.
Ito’y matapos madagdagan ng 136 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng QC Health Office, nasa 5,622 ang na-validate ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.
Nadagdagan ng 43 ang mga nakarekober na mayroon ng kabuuang 3,057.
May anim naman na naidagdag sa bilang ng binawian ng buhay.
Sa ngayon, nasa 284 na ang nasawi sa lungsod dahil sa virus.
Labing-lima dito ay binawian ng buhay at 168 ang nakarekober.
Sinusundan ito ng Barangay Bahay Toro na may kabuuang 213 cases, 140 dito ay nakarekober at 11 ang nasawi.
Sa Barangay Culiat, mayroong 187 total COVID-19 cases, 142 dito ay nakarekober at may sampung nasawi.
Sa Barangay Tandang Sora ay may 144 kaso at Brgy. Holy Spirit na may 138 kaso.
Nangunguna pa rin sa mga barangay na may maraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Barangay Batasan Hills na may kabuuang 234 COVID-19 infections.