COVID-19 cases sa Quezon City, umabot na sa 7,054

Umakyat na sa 7,054 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Mula sa kabuuang bilang, 2,193 dito ay active cases.

May naidagdag namang 704 na bagong gumaling na ngayon ay may 4,459 na nakarekober.


Isa ang naidagdag sa mga pumanaw na sa kabuuan ay 303 na ang bilang.

Nangunguna pa rin ang Barangay Batasan Hills sa may pinakamataas na naitalang COVID-19 cases na may kabuuang 316 COVID-19 cases.

Sinusundan ito ng Barangay Bahay Toro na may kabuuang 239 at Barangay Commonwealth na may total 220.

Inilagay naman sa 14-day Special Concern Lockdown ang labing isang lugar sa lungsod dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Kabilang dito ang:

• Ruby Stone HOA in Kaligayahan

• Sitio Ruby in Fairview

• 5A Cenacle Compound in Culiat

• Mariveles St. in Paang Bundok

• 238 Mayon Ave. in Maharlika

• Howmart Road, Portions of Alley 2 and 3 in Baesa

• No. 8A, Mariveles St. in Sta. Teresita

• 85-91 Gumamela St., 1-3 Umbel St, in Roxas

• 950 Interior, Aurora Blvd. in Mangga

• 113 Kamuning Road in Kamuning

• Ambuklao Alley in Baesa

Facebook Comments