COVID-19 cases sa Taguig, umabot na sa mahigit 9,600

70

Pumalo na sa 9,604 ang kabuoang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Taguig.

Ito ay matapos makapagtala ang Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) ng ng 23 bagong kaso.

Nasa 9,446 dito ay bilang ng recoveries, matapos magkaroon naman ng walong bagong mga gumaling na sa naturang sakit.


Nananatili naman sa 102 ang bilang ng mga nasawi na dulot ng virus.

Ang natitirang 56 mula sa kabuoang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay mga active case na nanantili pa rin sa mga quarantine facility ng lungsod.

Facebook Comments