COVID-19 claims sa ilang ospital sa bansa, hindi pa rin nababayaran ng PhilHealth

Bigo pa rin mabayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang COVID-19 claims sa ilang ospital sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs, sinabi ni Philippine Hospital Association (PHA) President Dr. Jaime Almora na ang mga unpaid claims na ito ay mula pa ng magsimula ang pandemya noong March 2020.

Bilang pansamantalang solusyon, ilang ospital na aniya ang humihiram na sa mga bangko para habang ilan naman ay gumamit na ng kanilang mga savings at assets.


Giit ni Almora, tanging ang mga non-COVID-19 claims lang ang napo-proseso at hindi ang mga claims para sa paggamot sa mga COVID-19 patients.

Nakipag-ugnayan na aniya ang PHA kay PhilHealth President at CEO Atty. Dante Gierran nitong April 8 at nangako babayaran na ang mga ospital.

Naglabas na rin ang PhilHealth ng kautusan na nagtatag ng isang debit-credit payment mechanism para sa mga ospital sa NCR Plus Bubble pero inaatasan pa rin ang mga pribadong ospital na mag-apply sa naturang mekanismo.

Facebook Comments