Nananatili sa “moderate risk” ang COVID-19 classification ng National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ito’y kahit na bumaba ng 15% ang mga naitalang bagong kaso sa rehiyon.
Sa kasalukuyan, ang Metro Manila ay may 7-day average na 1,055 kaso o average daily attack rate na 7.32 sa kada 100,000 indibidwal.
Dagdag pa ni David, nakapagtala ng negative 15% na ang one-week growth rate ang NCR nitong Agosto 21, kumpara sa negative 1% noong Agosto 14.
Samantala, ang reproduction number naman sa rehiyon ay bumaba sa 1.03 nitong Agosto 18, mula sa 1.11 noong Agosto 11, habang bumaba rin sa 14.6% ang positivity rate sa NCR.
Facebook Comments