COVID-19 clusters sa bansa, umabot na sa 1,302

Umabot na sa 1,302 ang clusters ng COVID-19 cases matapos madagdagan ng 27 bagong clusters.

Sa datos ng Department of Health (DOH), ang 17 bagong clusters ay mula sa CALABARZON, apat mula sa Central Luzon, tatlo sa Central Visayas at tatlo sa Metro Manila.

Nasa 1,107 clusters ang matatagpuan sa mga komunidad, 69 sa mga ospital o healthcare facilities at 30 sa mga bilangguan.


Sa ngayon, aabot na sa 178,022 ang kaso ng COVID-19 sa bansa na may 61,025 active cases.

Nasa 114,114 ang gumaling at 2,883 ang namatay.

Facebook Comments