COVID-19 confirmed cases sa NCRPO, nadagdagan na naman ng 2

Kinumpirma ng Pamunuan ng National Capital Region Police Office o NCRPO na meron naman dalawang kawani nito na nag positibo sa Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19.

Kaya nasa 11 na ang positibo sa virus na mga empleyado ng NCRPO, batay sa pinakahuling tala nito.

Ayon kay NCRPO Director Police Major General Debold Sinas, ang Patient Number 10 ay nakatalaga sa isa sa mga police stations ng Quezon City.


Habang si Patient Number 11 ay nakatalaga naman sa isa sa mga police stations ng Manila Police District.

Aniya, ang Patient 10 ay naka-confined na sa Hope General Hospital at stable ang kondisyon nito.

Habang si Patient 11 ay bumubuti na ang lagay nito, kahit na may senyales pa ito ng pneumonia sa kanyang latest x-ray result.

Pahayag ni Sinas, dating silang naka-quarantine sa Special Care Facilities ng NCRPO bago nag positibo sa COVID-19.

Pinag-utos na rin niya ang contact tracing sa mga nakasalamuha nina Patient 10 at 11 upang ma-monitor ang kalagayan ng kanilang kalusugan at maiwasan pa ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments