COVID-19 crisis sa Pilipinas, kontrolado na ayon sa dating kalihim ng DOH; Solidarity trial sa anim na bakuna kontra sa virus, aarangkada na!

Under control na ang COVID-19 crisis sa Pilipinas.

Ito ang paniwala ni dating Department of Health Secretary Dr. Paulyn Ubial, sa kabila ng pagkakabilang pa rin ng Pilipinas sa top 20 ng mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Giit ni Ubial, bumababa na ang percentage ng mga nagpo-positibo sa virus.


Aniya, batay sa Philippine Red Cross, bumaba ng 4 percent ang positivity rate nitong September, mas mababa ng 3 percent sa naitala noong July at August.

Isa aniya itong indikasyon na maganda ang response ng gobyerno sa pandemic.

As of Oct. 4, 2020, pumalo na sa 322,497 ang COVID-19 cases sa bansa kung saan 5,776 ang nasawi at 273,079 ang nakarekover.

Samantala, posibleng masimulan na bago ang katapusan ng buwan ang solidarity trial para sa anim na bakuna kontra COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila kay DOST Usec. Rowena Guevarra, sa ngayon ay hinihintay na lang nila ang protocol sa pagsasagawa ng clinical trial stage 3 para sa bakuna na magmumula sa World Health Organization.

Ayon kay Guevarra, handa na ang 89 million na pondo ng kanilang tanggapan at 9.7 million mula sa Department of health.

Tinatayang nasa 150 katao ang isasalang para sa bawat isang bakunang gagamitin sa clinical trial.

Facebook Comments