Bumaba ang average na daily attack rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa nagdaang dalawang linggo.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nakakapagtala na lamang ng pitong kaso sa bawat 100,000 indibiduwal kumpara sa nakaraang tatlo hanggang apat na linggo na nasa average n a 9.21.
Nitong Pebrero nasa tatlong kaso lamang kasa 100,000 population ang naitala, habang sa nangyaring surge noong Marso ay pumalo ito sa 34 cases.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang kasalukuyang average daily attack rate ay maaari pa ring masagad ang health system ng bansa.
Sa ngayon, ang two-week growth rate na nasa 11% tatlo hanggang apat na linggong nakararaan ay bumaba sa -15% sa nakalipas na isa hanggang dalawang linggo.
Facebook Comments