Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng dalawang death case ng COVID-19 ang lalawigan ng Nueva Vizcaya na umakyat na sa kabuuang bilang na 12.
Batay sa datos ng DOH-RESU, isang 62-anyos (CV1366) na lalaki mula sa brgy. Osmeña, Solano at 68-anyos na lalaki mula naman sa brgy. Careb, Bagabag.
Ayon sa Provincial Government, naitala ang 45 kumpirmadong tinamaan ng virus sa probinsya sa loob lamang ng isang araw na kinabibilangan ng bayan ng Solano 32; Aritao 4; Bagabag 3; Quezon 2; Bayombong 2; Bambang 1 at Villaverde 1.
Nanguna pa rin ang bayan ng Solano na may mataas na bilang ng COVID-19 cases na umabot na sa kabuuang 180 kung saan inilagay sa kategoryang Community Transmission ng Department of Health.
Kinumpirma naman ni Provincial Health Officer Dr. Edwin Galapon na ang mga naitalang kaso ngayon ay bahagi ng isinagawang swab testing mula sa Aggresisve Mass Testing ng DOH.
Sa kabuuan, pumalo na sa 240 ang aktibong kaso sa buong lalawigan.