COVID-19 death rate sa Cebu City, tumaas!

Tumaas ang COVID-19 death rate sa Cebu City.

Ito ay makaraang makapagtala ng kabuuang 6,292 COVID-19 cases sa lungsod hanggang kahapon kung saan 211 dito ang nasawi.

Ayon kay Cebu City Mayor Edgardo Labella, nasa 3% na ang death rate sa lungsod mula sa 0.8% noong Mayo.


Kaugnay nito, aminado ang alkalde na malaking hamon ngayon sa mga ospital sa lungsod ang tumataas na kaso ng sakit.

Sa kabila nito, tumaas naman ang recovery rate sa lungsod na umabot sa 53%.

Ayon kay Labella, marami pa silang kailangang gawin para tuluyang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Sa kabila ng pagtaas ng death rate, matatandaang ibinaba na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Cebu City simula ngayong araw hanggang July 31.

Ngayong araw ay makikipagpulong ang alkalde sa mga mall owners para ilatag ang protocol matapos na pahintulutan na ring makapag-operate ang iba pang retail stores.

Bawal pa rin ang dine-in sa mga restaurants habang limitado ang port operations sa mga cargo.

Nananatili ring suspendido ang public transportation.

Facebook Comments