COVID-19 death rate sa Metro Manila, bumaba – OCTA Research

Patuloy na bumababa ang bilang ng mga namamatay sa COVID-19 sa Metro Manila ngayong taon.

Sa monitoring report ng OCTA Research Group, ang case fatality rate (CFR) sa Metro Manila ay bumaba sa 0.78% mula June 1 hanggang July 6, 2021.

Mababa ito ng 26-percent mula sa 1.6 percent na naitala sa unang kwarter ng taon.


Ibig sabihin, nasa isa sa bawat 100 COVID-19 cases ang namamatay dahil sa COVID-19.

Kumpara noong 2020, ang CFR sa Metro Manila ay nasa 2.32% o dalawa sa bawat 100 kaso ang namamatay sa sakit.

Ang mababang CFR ay resulta ng treatment at maayos na management ng COVID-19 cases.

Facebook Comments