COVID-19 deaths, posibleng tumaas sa 8% kapag ibinalik ang in-person classes – ADB

Posibleng tumaas sa 8% ang COVID-19 deaths oras na ibalik ang in-person classes sa unang quarter ng 2021.

Ito ay base sa report na inilabas ng Manila-based Asian Development Bank (ADB) na pinamagatang “Cost-Benefit Analysis of Face-To-Face Closure of Schools to Control COVID-19 in the Philippines.”

Pero lumalabas din sa pag-aaral na aabot sa P1.9 trillion na economic opportunities ang maaaring mawala kung pipigilan ang in-person classes sa school year 2020-2021.


Kaugnay nito, sinabi ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick na pabor sila sa dahan-dahang pagbubukas ng klase sa mga paaralan pero dapat itong gawin nang ligtas.

Ayon pa kay Chua, ‘manageable’ naman ang plano ng DepEd na magsagawa ng dry run ng in-person classes sa loob ng dalawang linggo sa mga lugar na may mababang banta ng COVID-19 sa Enero.

Bukod sa makatutulong ito sa ekonomiya, makikita rin ng gobyerno kung mas maraming bata ang maaari nang payagang pumasok sa mga eskwelahan.

Samantala sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na walang problema sa kanila ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes basta’t masusunod ang mga minimum health standard.

Wala rin aniya sa mga bata ang seryosong kaso ng COVID-19.

“Ang serious cases ng COVID, wala ho sa mga bata e. Kaya tama ho si Secretary Briones… na nakabase ho yan na yung marami ang father, mother na nagtatrabaho tapos pag-uwi usually yun ang mode of transmission. So if ever na mag-face-to-face ang DepEd, kailangan lang naman talaga ng minimum standard ng school, yung testing dapat andoon kasi makakabuti rin sa … lipunan,” ani Vega.

Facebook Comments