Wala pa sa ngayon na indikasyon ng pagtaas ng kaso tinamaan ng COVID-19 sa kabila ng maluwag na quarantine restrictions sa buong Region 1.
Sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, CHD1 Focal Person, idinagdag nito na ang maraming bilang na nabakunahan kontra COVID-19 ay isa sa nagpababa ng tsansya na magkaroon ng malalang kondisyon at sintomas ng sakit ang isang indibidwal.
Bagama’t nagbabala ang mga health experts gaya ng World Health Organization na biglang pagtaas ng tatamaan ng COVID-19 pagkatapos ng eleksyon hindi lang Ilocos Region kundi maging buong bansa kung magpapatuloy ang maluwag na restrictions at pagpapakampante ng ilang residente.
Tiniyak naman nito na nakahanda ang mga COVID-19 dedicated beds sa Rehiyon sakaling magkaroon ng biglaang pagtaas ng kaso ng sakit.
Dito ay naka standby ang mga dedicated beds at mga isolation facilities ng mga ospital at lokal na pamahalaan. | ifmnews
Facebook Comments