Wala pang natutukoy na kaso ng Delta-plus variant ng COVID-19 dito sa bansa.
Ito ang tiniyak ng UP National Institutes of Health sa gitna ng pangamba ng publiko sa mas nakakahawang virus na unang nadetect sa India.
Ayon kay UP-NIH Director Dr. Eva Maria dela Paz, epektibo ang ating mga ipinatutupad na measures kagaya ng travel ban upang hindi makapasok ang Delta-plus variant.
Una nang inilagay ng Indian government ang Delta-plus variant bilang variant of concern dahil sa pagiging mas nakakahawa ng virus.
Sa kasalukuyan ay nasa 200 ang naitalang kaso ng Delta-plus variant sa 11 bansa.
Facebook Comments