COVID-19 Delta variant, mahigpit na babantayan ng Metro Manila mayors

Gumagawa na ng mga hakbang ang mga alkalde sa Metro Manila para sa mas mahigpit na pagbabantay laban sa Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, tututukan ng mga alkalde ang pagbabantay sa mga border control at paglilipat ng national government sa mga Local Government Unit (LGU) ng mga returning overseas Filipino (ROF).

Aniya, kailangan kasing tapusin ng mga ROF ang 14 days qauarantine at siolation.


Maliban dito, sinabi ni Abalos na palalakasin din ng mga alkalde ang contact tracing na mas mahalaga ngayong dahil sa iba’t ibang variant na namomonitor ng Department of Health (DOH).

Giit pa ni Abalos, hindi dapat baliwalain ang Delta variant dahil 60 percent itong mas nakakahawa sa tao.

Kahit kasi nakabakunahan na ng COVID-19 vaccine, maaari pa ring tamaan ng virus ang isang tao.

Facebook Comments