Pinangangambahan ng World Health Organization (WHO) na ang Delta variant ng COVID-19 ay maging dominant strain ng virus sa mga ussunod na buwan.
Sa ngayon, ang Delta variant na unang na-detect sa India ay naitala na sa 125 na teritoryo sa mundo.
Ayon sa WHO, inaasahang kakalat pa ang Delta variant sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa mga susunod na buwan.
Ang Alpha variant na unang nadiskubre sa United Kingdom ay naitala na sa 180 teritoryo, ang Beta variant o South African variant ay naiulat na sa 130 bansa habang ang Gamma o Brazilian variant ay nasa 78 bansa na.
Sa bilis ng paglobo ng kaso, posibleng lumagpas na sa 200 milyon kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Ang pagtaas ng kaso ay buhat ng apat na factors:
• Mas nakakahawang variants
• Pagluluwag ng health measures
• Pagtaas ng social mixing
• Malaking bilang ng mga taong hindi pa nabakunahan