Posibleng mahawaan pa rin ng COVID-19 Delta variant ang isang indibidwal kahit na nakasuot ng face mask at face shield.
Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Philippine College of Physician President Dr. Maricar Limpin na ang virus na ito ay naghahanap lamang ng lusutan na pwede maipasa sa iba sa bilis lamang na 2 segundo.
Dahil dito, muling nagpaalala si Limpin na mahigpit na sundin ang minimum health standards saan mang lugar.
Dagdag pa ni Limpin, ang pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine restriction ay ‘short term solution’ lamang.
Aniya, mas makakabuti kung mas bibigyang pansin ng pamahalaan ang mga pangmatagalang solusyon gaya ng pagpapalakas ng contact tracing, mass testing at mas mahigpit na border control.
Facebook Comments