COVID-19 Delta variant, sobrang mapanganib – DOH-TAG

Hindi dapat tuluyang makapasok sa bansa ang Delta COVID-19 variant.

Sa ngayon, aabot pa lamang sa 17 ang kaso ng Delta variant sa bansa na mula sa incoming travelers.

Ayon kay Department of Health – Technical Advisory Group (DOH-TAG) member Dr. Edsel Salvaña, ang Delta variant ay sobrang mapanganib.


Magkakaroon aniya ng malaking sakuna kung hindi mapipigilan ang pagpasok nito sa bansa.

Aniya, wala pang naitatalang community transmission ng Delta at Gamma variant sa bansa kaya mahalagang higpitan ang mga protocols.

Sinabi pa ni Salvaña na mahigpit dapat ang pagbabantay sa borders dahil isang variant lamang ay maaaring magresulta ng COVID-19 case surge na katulad sa India.

Paliwanag ni Salvaña, ang Delta variant ay 40% na mas nakakahawa sa labas habang 60% na mas nakakahawa kapag nasa loob.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Dr. Anna Ong-Lim na maiiwasan ang virus transmission kapag naprotektahan ang mata sa pamamagitan ng face shield.

Ang mga incoming travelers ay dapat nasa quarantine facility sa loob ng 10 araw at isalang sa test sa ikapitong araw. Ang natitirang apat na araw ay home quarantine.

Facebook Comments