Iginiit ni Vice President Leni Robredo na kailangan ng tagapangasiwa o ‘manager’ sa COVID-19 response efforts ng pamahalaan.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na bagama’t puspusang nagtatrabaho ang lahat ng ahensya ng pamahalaan, napansin niya na tila kanya-kanya ang trabaho at walang nangangasiwa.
Kailangan aniya mayroong taga-harmonize ng lahat ng response efforts sa pandemya.
Nanawagan din si Robredo ng mas organisadong transportasyon sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs).
Sumulat na siya kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na mahina ang accuracy ng rapid test kaya hindi dapat ito gamitin sa mga LSI bago sila pauwiin sa mga probinsya.
Huwag din sana ipasa ang swab testing sa mga LGU dahil hindi lahat may kakayahan para dito.