COVID-19 facility sa Marawi City, tapos na – DPWH

Handa nang tumanggap ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 ang pasilidad na itinayo sa Marawi City, Lanao Del Sur.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary at Chief Isolation Czar Mark Villar, mayroong 40-bed capacity ang nasabing pasilidad na para sa mga pasyenteng may asymptomatic at mild cases ng COVID-19.

Opisyal itong itinurn-over sa provincial government ng Lanao del Sur sa ilalim ng pamumuno ni Governor Mamintal Adiong Jr.


Maliban sa mga opisyal ng DPWH, dinaluhan ang turn-over ceremony ng Task Force to Facilitate Augmentation ni National at Local Health Facilities Head Emil K. Sadain.

Facebook Comments