Inilunsad ng pamahalaan lokal ng Manila ang COVID-19 Food Security Program o FSP na magkakaloob ng food subsidy kada buwan sa 700,000 pamilya sa lungsod.
Ayon kay Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, ang monthly food subsidy sa pamilyang Manileńo ay tulong ng lokal na pamahalaan para maibsan ang epekto ng pandemya sa ating ekonomiya.
Ang ayudang pagkain ay binubuo ng 3 kilong bigas, 16 na delata at mga kape.
3 bilyong piso ang inilaang pondo ng Manila City Government sa programa na layunin na walang magutom na pamilya sa lungsod.
Bukod dito ay tiniyak din ni Mayor Isko na magpapatuloy ng programang pabahay sa lungsod sa kahit may pandemya.
Facebook Comments