COVID-19 Free Towns sa Isabela, Nadagdagan pa

32

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa siyam (9) na bayan ng Isabela ang COVID-19 free kabilang batay ito sa inilabas na datos ng Provincial Information Office.

Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Benito Soliven, Burgos, Dinapigue, Mallig, Palanan, San Agustin, San Guillermo, at San Pablo.

Bukod dito, karamihan ng mga bayan at siyudad sa Isabela ay nananatiling mababa ang aktibong kaso gaya ng mayroon na lamang tig-isang aktibong kaso ang mga bayan ng Cabagan, Delfin Albano, Reina Mercedes at Quirino.


Sa kasalukuyan, nasa 198 nalang ang kabuuang bilang na mga pasyenteng binabantayan matapos tamaan ng COVID-19 virus.

Wala namang nadagdag sa bilang ng Death case sa probinsya habang 32 ang naidagdag sa mga nakarekober kung kaya’t umabot na ito sa kabuuang 58, 408.

Bagama’t patuloy na bumababa ang bilang ng active cases sa Isabela, hinihikayat pa rin ng pamahalaang panlalawigan ang mga Isabeleño na sumunod sa umiiral na health protocol para maiwasan ang hawaan ng virus.



Facebook Comments