COVID-19 frontliners, patatayuan ng bantayog

Hiniling ni Manila Representative Manuel Lopez ang pagtatayo ng monumento para sa lahat ng COVID-19 frontliners.

Sa House Bill 9159 ay patatayuan ng monumento ang mga frontliners na tatawaging “Bantayog ng mga Bayaning Frontliners.”

Ayon sa kongresista, ang monumento ay magsisilbing alaala sa kabayanihan ng lahat ng frontliner ngayong may pandemya.


Lilikha rito ng komite na bubuo ng guidelines para sa nominasyon at pagpili ng mga pangalang ilalagay sa bantayog.

Pasisinayaan naman ang bantayog sa National Day of Mourning and Remembrance para sa COVID-19 frontliners na gagawing special working holiday.

Ayon kay Lopez, nararapat lamang na kilalanin ang katapangan, sipag, sakripisyo at hindi matatawarang kontribusyon ng mga frontliner ngayong panahon ng pandemya.

Samantala, pagkakalooban din ng scholarship at financial assistance ang mga anak ng frontline heroes sa state schools, colleges at universities.

Facebook Comments