COVID-19 growth rate ng Pilipinas, tumaas ng 15%

Tumaas ng 15 percent ang growth rate o kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon kay Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, tumaas ang growth rate ng sakit na halos 6,609 bagong kaso kada araw mula Hunyo 7 hanggang 13.

Ito ay mas mataas kumpara sa 6,558 na naitala noong Mayo 31 hanggang Hunyo.


Sa kabila nito, sinabi ni De Guzman na nasa moderate risk category pa rin ang bansa at nasa safe zone ang kapasidad ng mga pasilidad para sa COVID-19 patients.

Nasa critical risk category naman ang anim na lugar sa bansa.

Umabot na sa 75.4% ang Intensive Care Unit (ICU) occupancy rate sa La Union; 92.3% sa Tarlac; 85.7% sa Rizal; 78.3% sa Cavite; at 75% sa Benguet.

Mataas din ang healthcare utilization rate sa Agusan del Sur na nasa 72.6%.

Facebook Comments