COVID-19 growth rate, positivity rate sa Rizal, tumaas – OCTA

Nakitaan ng OCTA Research Group ng pagsipa sa kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Rizal.

Sa monitoring ng OCTA, sumipa sa 47% ang one-week growth rate sa Rizal mula sa dating -15%.

Tumaas din ang positivity rate o ang bilang ng nagpopositibo sa COVID-19 testing sa 17.4% noong September 10 mula sa 12% noong September 3.


Habang tumaas sa 1.25 nitong September 8 ang reproduction number o ang bilis ng hawaan ng virus mula sa 0.90 noong September 1.

Sa kabila nito, nananatili namang mababa ang average daily attack rate (ADAR) sa Rizal na nasa 3.73 habang “moderate” ang healthcare utilization rate nito na nasa 50.8%.

Samantala, pababa na ang trend ng COVID-19 sa nalalabing bahagi ng bansa.

Pero ayon sa OCTA, posibleng magkaroon ng pagsipa ng mga kaso sa mga susunod na buwan dahil sa inaasahang pagtaas ng mobility o paglabas ng mas maraming tao ngayong “ber” months.

Kaya paalala ng OCTA sa vulnerable population, mag-ingat at sumunod sa health protocols lalo’t sila ang may pinakamataas na panganib na ma-ospital dahil sa virus.

Facebook Comments